Yeng Constantino - Awit Ng Pangarap 歌词

Bawat tao'y magkakaiba, iyong makikita
Iba't ibang istorya, iba't ibang paniniwala

Ngunit nagsisikap (nagsisikap)
Para sa pangarap (para sa pangarap)
May sakripisyo, pawis binubuno

Nagbabago (nagbabago)
Ganyan ang tao (Ganyan ang tao)
Itanim sa puso, dahil

Nais naming marating
Tuktok ng mga bituin
Di kami titigil
Papatunayan sa buong mundo
Kayang kaya natin 'to
Di kami susuko

Nag-iisang damdamin ang aming aawitin
Ihahayag aming mithiin
Itatayong bandila ng ating musika
Pilipino itaas ang kamay umawit ka at

Ika'y magsikap (magsikap)
Para sa pangarap (para sa pangarap)
Magsakripisyo, pawis ibuno

Ika'y matuto (matuto)
Ganyan ang tao (ang tao)
Itanim sa puso, dahil

Nais naming marating
Tuktok ng mga bituin
Di kami titigil
Papatunayan sa buong mundo
Kayang kaya natin 'to
Di kami susuko

Nakikinig ka ba
Imulat mo ang iyong mga mata
Dinggin ang sigaw ng iyong damdamin
Sabihin ang hangarin

Nais naming marating
Tuktok ng mga bituin
Di kami titigil
Papatunayan sa buong mundo
Kayang kaya natin 'to
Di kami susuko

Nais naming marating
Tuktok ng mga bituin
Di kami titigil
Papatunayan sa buong mundo
Kayang kaya natin 'to
Di kami susuko
这个歌词已经 421 次被阅读了