Maude - Takda Тексты

Sinabit ko sa bintana ang aking hiling.
Saad ang mahabang listahan ng 'yong muling pagdating.
May sukli nga ba ang maghintay?
Mahigawa ang dahilan kung ba't 'di ka abot kamay.

Hinulog ko sa balon ang pisong dasal.
Sana'y singbilis lang ng patak ang masaktan.

Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay?
Hindi ba't tulad nating tumatanda't namamatay.
Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda

Katulad mo din ba ako, pangarap ang magbalik
Sa araw na tayo ay wala pang alam
Sa unang araw na magtagpo na masarap ang maging mangmang
Tila hindi iniisip na magtatapos ang saya

Hinulog ko sa balon ang pisong dasal.
Sana'y singbilis lang ng patak ang masaktan.

Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay?
Hindi ba't tulad nating tumatanda't namamatay.
Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda

Minsan lang, minsan pa, subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda
Ang takda
Ang takda
Ang takda
Этот текст прочитали 248 раз.