Julie Anne San Jose - Dedma Тексты

Bakit hindi ko maintindihan?
Sino ba at nasaan? Ha?
Ano siya? Anito? Superhero?
Taga rito ba? O baka taga buwan?

Ano ba yan? Gawa gawa lang ba ng tao?
O? Kabaliktaran, tulad ni Adan?
Yung totoo 'di mo alam
Ayaw maki alam
O wala ka lang paki alam...

Andami nang namamatay, pumapatay
nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata'y, nadadamay, sa mga away..
Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin

Puro pa gera, dulot ng pera
Nakakalungkot, ba't ka ba ubod ng dedma?
Punyeta! Retreat sa kweba
Oras na ma-Soddom at Gomorrah
'tong buong planeta, teka




Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan


Pa'no kung walang kabilang byuhay?
Pa'no niyo kami matutubos?
Pa'no kung wala pa ring patunay
At yun kasi wala naman talagang Diyos...

Na bwakaw magpasamba
Kung ayaw mo daw mananalanta
Pero ganu'n pa rin naman kahit magdasal ka
Tignan mo Deuteronomio kung mapagmahal sya...

Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya?
Mukhang natakpan ng piring ang sistema
Mga pruweba ng primitibong siyensya
Mahirap tanggapin na parading penitensya

Sentensya, sa mga mapang-abuso
Kontrolado utak kapagka hawak ang puso
Punto, sa'n patungo ang relihiyon
Sa katapusan ba ng mundo? O sa Panginoon?
Bakit gano'n?




Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan




Minsan, di natin nababatid ang kamalian ng lahat
Na siyang kay hirap tanggapin
At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama
Ang tanong, bakit yata parang dedma yung iba?


Nasaan, Nasaan ang kaligtasan?
Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan?
Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal
Halik ni kamatay sa kamay ng kabihasnan

Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan?
Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
May kaluluwa po ba talaga yung katawan?
O kathang-isip lamang ng mga takot sa kawalan?

Kailangan ko ng bendisyon,
Maliwanagan parang Thomas Edison
Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko,
'di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyon

Kasi imposibleng inimbento ka lang
Sino ang arkitekto? Sikreto na lang
Perpekto lahat pwera disenyo pa lang
Ang tanong, bakit gano'n yan ang pala isipan




Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan
Этот текст прочитали 636 раз.