Chorus: Dwin
Itaas ang kamay iwagayway
Kung ikaw ay Masaya sumigaw ka lang
Kalimutan ang problema ngumiti ka na lang
Sumayaw sumunod sa gitna ng saya
Itaas ang kamay iwagayway
Salubungin ang gabi ng buong sigla
Kalimutan ang lungkot wag ka nang mabagot
Tara nat humataw na sumunod ka lang
Rap verse 1: Sagisag
Ikaw ba ay nayayamot na?
At naiirita Sa dami ng problema?
Na dumarating at napapraning
Di mona malaman kung ano ang yung gagawin?
Pagod sa trabaho may katabing mabaho
hindi na umuusad tapos trafic pa sa kanto.
Sino ba naman lalot pag laging ganyan nakakapikon kasi bulsay walang laman.
Pero sana kahit ano mang
kamalasan Ay wag mong kakalimutan ang
magdasal sa may kapal
halikA at sumandal
Itaas ang yung kamay at sumigaw. Bukas ay may liwanag na darating
ang malas ay parang oras na lilipas din.
Tandaan mo nalaging merong pagasa.
Tulad na lamang ng maaliwalas na umaga.
Repeat Chorus: Dwin
Rap Verse 2: Too Young
umagang kay ganda habang papungas-pungas,
positibong pangitain habang pa punas-punas,
ng salamin na lumabo dahil sa mga hamog,
wag mo hayaang masira katawan mong nalamog,
sa trabaho at araw-araw mo na pamumuhay,
tandaan na di lahat ng oras ay hayahay,
tandaan mo na walang gawaing napakadali,
atdi lahat ng problema ang sagot ay salapi,
ikaw ay ngumiti kahit ikay bungi,
ayaw man o hindi lahat ay dadali,
sa tulong ng mga taong sayoy nakapalibot,
nagbibigay lakas sa mga gusting maabot,
mga pangarap ay abot kamay wagna wag lang sasablay,
sa pangaral ng magulang wag na wag kang sasaway,
tara na sumakay sumabay sa pag baybay,
habang nag tatawanang nakataas ang mga kamay
Repeat Chorus: Dwin
Rap verse 3: Mac G.
Sawang sawa ka na sa buhay parang gustong bumigay,
Sawing sawi ka sa pagibig parang gustong humimlay,
kasi nga puro kamalasan nangyayari sa yo,
tapos sinisi ka pa ng nasa paligid mo,
tila wala kang magawa na tama puro mali,
sa pagsusulit ay puro mababa dahil nagmadali,
sa kakakopya mo pati pangalan ay nagaya,
akala mo tuloy ang buhay sadyang madaya,
halos di na makalaya sa lungkot na pinapasan,
dahil nga malayo sa pamilyang minamahal,
wala kang malapitan wala ka ring karamay,
pero may nagiisang panginoong nakaantabay,
tawagin mo lang siya sa oras ng kagipitan,
at sabihin sa kanya kung anong pangangailangan,
siya ang ating sandigan kung ano man ang problema,
tara na't bumangon ka halika tayo'y magsaya.