Rehas ang bawat bukangliwayway
Mula sa pagdilat hanggang paghimlay
Ika'y sa galaw ng madla sasabay
Landas man ay rehas ng paglalakbay
Rehas ang awit, pader ang tula
Selda ang tila magarang dula
Pagkahabahaba ng tanikala
Bihag, kailan ka makakawala?
Yaman ay rehas ng paghahanda
Rehas ang oras sa iyong pagtanda
Ganda't tagumpay walang mapapala
Rehas ang buhay kung siya ay wala
Minsang nakatali ang asong hangal
Ikut ng ikot hanggang masakal
Huwag kang mangiti at huwag kang matuwa
Gapos ka rin ng sariling gawa
Rehas ang buhay, rehas ang buhay
Rehas ang buhay kung siya ay wala
Этот текст прочитали 227 раз.