Ang aking kubo sa tabindagat
Dingding ay pawid, bubong ay nipa
Sa palibot may mga halaman
At bakod na gawang kawayan
Gayak ng kubo ay kalikasan
Ang kabukiran, ang buwan at bituin
Pinapayungan ng punongkahoy
Iniihipan ng sariwang hangin
Sa aking kubo'y may paralumang
Sa aking puso'y nakalarawan
At sa pagtulog ay mayrong rosas
Na niyayakap ko't hinahagkan
Ang aking kubo'y dalampasigang
Sa along tulad ko'y inaasam-asam
Kubong kailanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig
Ganyan ang kubo, ganyan ang buhay
Minsa'y tatawa ka, minsa'y malulumbay
May pagdiriwang, may kalungkutan
Laging nanunukso (nangungutya) ang kapalaran
May mga sandaling mistulang (akala mo'y) langit
Ngunit paggising pala'y panaginip
Kaya kailangang sa gabi't araw
Didiligin ang kubo ng pag-ibig
Sa aking kubo tuwing takipsilim
Lumang gitara'y aking kapiling
Mga awiting di malilimutan
Mga harana at mga kundiman
Ang aking kubong pangkaraniwan
Di man kastilyo ngunit paraiso
Kahit na mukhang bahaybahayan
Ang aking kubo'y isang tahanan
Ganyan ang kubo...
Sa aking kubo'y may paralumang...
Kubong kaylanma'y di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig