Equilibrio - Ngiti Naman D'yan Тексты

Alam ko, masama pa rin ang loob mo.
May hapdi pa ring nadarama ang puso.
Pero di naman dapat na mamalagi ka
sa ganyang kalagayan.
May dilim at may liwanag.
May lungkot at may saya.
Ikot ng buhay ay tuloy lamang,
sana'y tuloy lamang.

Ngiti naman dyan, pwede ba?
Ngiti naman dyan, sige na.
Oy oy oy, ano ba?
Ngiti naman dyan.

Tingin ko ay wala namang mapapala
kung isip-isipin mong ika'y kawawa.
Bakit di hayaan ang nangyari at muling
makipagsapalaran?
Bawat byaheng sanlibong milya,
isang ngiti ang umpisa
pagkat pag-asa ay nandyan lamang,
laging nandyan lamang.

Ngiti naman dyan, pwede ba?
Ngiti naman dyan, sige na.
Oy oy oy, ano ba?
Ngiti naman dyan.

Tingnan mo nga'ng
itsura mo kapag nakakunot ang noo mo.
Bahala ka.
Kapag nahipan ng hangin, ewan ko lang sa yo.

Bawat byaheng sanlibong milya,
isang ngiti ang umpisa
pagkat pag-asa ay nandyan lamang,
laging nandyan lamang.

Ngiti naman dyan, pwede ba?
Ngiti naman dyan, sige na.
Oy oy oy, ano ba?
Ngiti naman dyan.

Ngiti naman dyan, pwede ba?
Ngiti naman dyan, sige na.
Oy oy oy, ano ba?
Ngiti naman dyan.
Этот текст прочитали 423 раз.