Kanta nang kanta, ensayo nang ensayo, awiting pamasko'y di pa rin kabisado.
Sige lang nang sige kahit wala sa tiyempo. Malapit na kaming magkaroling sa inyo.
Bilang nang bilang ng inipong pera. Kabado man sa gastos ngunit tayo'y maligaya.
Bili pa nang bili ng kung ano-ano.
Alin nga bang regalo'ng ibibigay sa'yo?
Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na! Ilang tulog pa ba ang paskong masaya? Ilang tulog pa ba? Darating na.
Usok ng putobumbong--nalalanghap ko na.
Ilang tulog pa ba? Heto na heto na!
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Di na hihiling ng kung ano-ano:
mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko
Hamon at keso'y malapit nang ihain;
kay tagal nang binili, hulugan pa man din. (Aray!)
Di bale nang medyo gipit basta't tayo'y maligaya.
Ang masayang pasko'y hinihintay ko na.
Kalembang nang kalembang ang kampana—kay lakas!
Batian nang batian ng "meri krismas!" Lahat ng masalubong ay may ngiti sa labi. Kahit nagtatampuhan ay nagkakabati.
Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na! Ilang tulog pa ba ang paskong masaya? Ilang tulog pa ba? Darating na.
Usok ng putobumbong--nalalanghap ko na.
Ilang tulog pa ba? Heto na heto na!
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Di na hihiling ng kung ano-ano:
mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko
Huwag mong bibilangin ang tulog sa tanghali,
Sasapit ang paskong pagkadali-dali. Magigising tayo sa tuwa't ligaya
Ilang tulog pa ba? Pasko na! Pasko na!
Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na! Ilang tulog pa ba ang paskong masaya? Ilang tulog pa ba? Darating na.
Usok ng putobumbong--nalalanghap ko na.
Ilang tulog pa ba? Heto na heto na!
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Di na hihiling ng kung ano-ano: mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko
Di na hihiling ng kung ano-ano: mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko Ilang tulog pa ba? Ilang tulog pa ba?
Pasko na!