May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
Nung akoy musmos pa lamang ay takot sa multo
Nung akoy naging binata, sa erpat ng syota ko
Ngayon ay may asawa, meron nang pamilya
Wala ngang multo ngunit takot sa asawa ko
Di mo na kailangan mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Bastat huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami (gumagrabe)
Hindi mo ma-ibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka hah
Ng maling akala
Nasaan na ba ako, kaninong kama to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto
Naglayas sa bahay, akalay madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil di nakapagtapos
May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasay madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay ahh
Sa maling akala