Nag-aawitan ang mga magsasaka
Nagsasalitan ng tula at kanta
Naghihiyawan ang tagadalampasigan
Nagsasayawan ang mga mangingisda
Ang namamasukan sa mga pagawaan
Naglalabasan at sila'y tuwangtuwa
Palubog na, palubog na
Ang haring araw sa kanluran
Pauwi na, pauwi na
Ang haring lawin sa kanluran
Nagsasayahan ang mga may kapansanan
Kababaihan at mga mag-aaral
Ang mga kawal at alagad ng Sambahan
Ang makasining at mga makaagham
Ang mangangalakal, guro at lingkod ng bayan
Nagkakaisa sa iisang inaasam
Palubog na, palubog na...
Pauwi na sa kanila ang haring agila
Ang ibong mandirigma sa kanluran