Minsa'y may nagtanong at walang nakaimik
Ang kanyang tinanong ay ano raw ang halik sa Bisaya
Ang alam ng isa Bikolano at Mangyan
Ang alam ng iba Ilokano, Ibatan at Ifugao
May alam sa Hapon, sa Arabo at Intsik
Ngunit si matunton kung ano ba ang halik sa Bisaya
Napasubo tuloy ang mahilig magyabang
Kakukuwentong ako'y may dating sinisintang taga-Dabaw
Ako'y napainom, di agad nakaimik
Nang ako'y tinanong kung ano ba ang halik sa Bisaya
Alam ko ang kulog, ang kwadrado at bilog
Ang gising, ang tulog, ang lamog at ang hinog at ang hilaw
Matagaltagal nang di ako nakabalik
Ang masabi ko lang kung ano man ang halik sa Bisaya
Sigurado akong kung mayrong pananabik
Gaya ng sa Luzon masarap din ang halik sa Mindanao