Minus One - Ako'y Sa'yo Ika'y Akin (Minus One) Lyrics

Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong
Ang pag-ibig mo'y
di magbabago

Ngunit bakit
sa tuwing ako'y lumalapit
ika'y lumalayo?

Puso'y
laging nasasaktan pag may
kasama kang iba

Di ba nila alam?
Tayo'y nagsumpaan

Na ako'y sa'yo
At ika'y akin lamang

Kahit ano'ng mangyari
Pag-ibig ko'y sa'yo pa rin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila'y ikaw pa rin

Ang mahal
Maghihintay ako
kahit kailan

Kahit na
Umabot pang ako'y
nasa langit na

At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala

Na ika'y hanapin
At sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa iyo
At ika'y akin lamang

(instrumental)

uh.....
Umasa kang
Maghihintay ako kahit kailan

Kahit na
Umabot pang ako'y nasa langit na

At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala

Na ika'y hanapin
at sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa iyo
At ika'y akin lamang
This lyrics has been read 149 times.