Hindi lang sa langit nandun ang mga bituin
Pag nasilayan ang pag-asa mata mo rin ay may ningning
Hindi lang sa langit nandun ang mga anghel
May nagaalay ng kabutihan hindi mo man hingin
Ang magbigay ng sarili sa isa't isa
Ito ang kwento ng Pasko ito'y liwanag ng mundo
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan
Sa atin nagmumula ang kaliwanagan
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan
Dalhin natin ang pagpapala sa bawat tahanan
Ilang ulit man ng dilim sa buhay nati'y dumating
'Di papanaw di mauubos ang mga bituin
Ang magbigay ng sarili sa isa't isa
Ito ang kwento ng Pasko ito'y liwanag ng mundo
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan (tuwing kapaskuhan)
Sa atin nagmumula ang kaliwanagan
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan
Dalhin natin ang pagpapala sa bawat tahanan
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan
Sa atin nagmumula ang kaliwanagan yeah
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan (tuwing kapaskuhan)
Sa atin nagmumula ang kaliwanagan
Ang liwanag ng Pasko ay kwento ng katuparan
Ng pangako ng Diyos sa buong sanlibutan
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan (tuwing kapaskuhan)
Sa atin (sa atin) nagmumula (nagmumula) ang kaliwanagan
(Dumarami) Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan (tuwing kapaskuhan)
(Dalhin natin) Dalhin natin ang pagpapala sa bawat tahanan
Dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan (tuwing kapaskuhan)
Sa atin nagmumula ang kaliwanagan (kaliwanagan)
Dumarami ang mga tala singdami (singdami) ng pagpapala (ng pagpapala)
Lumiliwanag ang mundo sa kwento ng Pasko (sa kwento ng Pasko)