Darren Espanto - Pasko Na Lyrics

Ikaw ang iniiisip ko
Na makapiling tuwing sasapit na ang pasko
Bakit, bakit nag iisa
Hiling ko lang ngayon ay makita ka
Hindi ako susuko hangga't ika'y mayakap ko
Walang ibang hinahanap kundi ikaw lang at ang pag ibig mo

Pasko na, ngunit ako'y nag iisa
Bakit ba naman ika'y kailangang lumayo pa
Sana ay madama mo ang pagmamahal ko para sa 'yo
Maghihintay kahit kailan basta't Ika'y kapiling ko
Ikaw ang laman ng panaginip
At hinahangad ng puso ko sa araw na 'to
Bakit, bakit nalulumbay, umaasa na sana'y lagi kang masaya
Hindi ako susuko hangga't ika'y mayakap ko
Walang ibang hinahanap kundi ikaw lang at ang pag ibig mo

Pasko na, ngunit ako'y nag iisa
Bakit ba naman ika'y kailangang lumayo pa
Sana ay madama mo ang pagmamahal ko para sa 'yo
Maghihintay kahit kailan basta't Ika'y kapiling ko
Kahit lumipas pa ang ilang taon
Sana'y malaman mo na ang pagmamahal ko
Sa 'yo'y hindi magbabago

Pasko na, ngunit ako'y nag iisa
Bakit ba naman ika'y kailangang lumayo pa
Sana ay madama mo ang pagmamahal ko para sa 'yo
Maghihintay kahit kailan basta't ika'y kapiling ko
Ika'y kapiling ko
This lyrics has been read 259 times.