Itulak ang pinto, papasok sasara
Sa gabing ito'y may isang inaasahang
Makasayaw at makapiling hanggang kinabukasan
Mabubuo ang alaala, mapapaso ang kaluluwa
Basang basa ng pawis dahil sa arsonista kong mata
Magliliyab kapag ako'y lumapit ng tuluyan
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Tinulak ang pinto, ang ilaw, kaibigan
May kumalat sa loob, lahat ay nagsitakbuhan
Isang daan kaming lumalayo mula sa kamatayan
Mabubura ang alaala, mapapaso ang kaluluwa
Basang basa ng pawis ang nakita ng aking mata
Naging abo ang ating buhay at pag ibigan
Sunog ang katawan ulo hanggang paa
Dagitab ng bawat puso ay nadarama
Sunog ang katawan ulo hanggang paa
Dagitab ng bawat puso ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Dieser text wurde 238 mal gelesen.