Juan Rhyme Brothers - Pilipinas Songtexte

Rap verse 1: (Sagisag)
Ito ang simula ng pagbabago ang muling pagusbong ng makabagong Pilipino
Sapagkat akin ang sinulat upang ihayag at ang prinsipyo ay ikalat
Sa kabataan, mga kababayan sino ang nagkamali sinong may kasalanan
Ang mali na tinama ng mali tama bang magtiwala kung ang prinsipyo ay bali
Ang tao na namihasa sa kapangyarihan na nagyoy nagpapasasa sa kayaman na hindi kanila
Kung nahaluhan ng bulok ang lahat ay bulok na
Ang sistema na para sa masa at ang nakabalot ay mga plema at eksema
Na kailanman ay di na maalis pa kaya halika tara na walisin natin sila

Chorus: (Too young and Dwin)
Ating iangat ang watawat ng Pilipinas
Tayo ay tulong tulong sa pagkilos at pagtaas
Ng bandila ng sagisag ng kapayapaan
Ipagpatuloy natin ang mga sinimulan
Ng ninuno natin na ipinaglaban sa mga dayuhan ng ating bayan
Kaya kapatid kumapit ka at humawak ka sa lubid ng kapayapaan wohoowho wohoo..

Rap Verse 2: (Mac G)
Minumutya kong Pilipinas ito ang pinanggalingan
Dito na ako sinilang sa lupa ko na hinirang pambihrang bayan to
inulan ng kasayayan kababayan halika at atin pagalayan ang mga bayani na tumulong para alalayan
sa kamalayan ng bawat pinoy sa kalayaan,
Hinabaan ang pasensya hinayaan lang nung una, ngunit lumabis na hinagpis ay binuhos na
Gamit lamang ang papel panulat at pati tinta, nakaliha ng tula na pampamulat sa mata
Gisingin ang tulog na diwa tayo ay magkaisa
Isulong natin ang Pinas sa pagka-paralisa, Proud to be Pinoy ako na nakataas ang noo
Kahit san man lugar o lupalop ay dala ko to tanging sandigan na king bayan
Hanggang sa kamatayan, walang kamatayan ang pagibig ko sa baying Pilipinas

Chorus: (Too young and Dwin)
Ating iangat ang watawat ng Pilipinas
Tayo ay tulong tulong sa pagkilos at pagtaas
Ng bandila ng sagisag ng kapayapaan
Ipagpatuloy natin ang mga sinimulan
Ng ninuno natin na ipinaglaban sa mga dayuhan ng ating bayan
Kaya kapatid kumapit ka at humawak ka sa lubid ng kapayapaan wohoowho wohoo..

Rap Verse 3: (Mac G.)
Sagisag hawakan mo na hatakin mo na ang mga lubid
Na naguugnay sa watawat kong pambansay di mapatid
Anu nga ba hahantungan ng bayan na Pilipinas
Kung tayoy magkakapatid kalas kalas, pilas pilas
Mga pinunong pasimuno sa mga katiwalaian
Mga nagbabalat-kayong hukbo ng pamahalaan
Sino ang dapat sisihin kung bakit lumagapak
Ang bayan nating ito sa kahirapan sumadlak

Rap Verse 4: Sagisag
Gisingin ang mga diwa gamit ang ating mga natutunan
sa nakalipas na panahon ang kasagutan ay kasalukuyan
ang pagpili ng tama tatahakin ang daan patungo sa hinaharap at kasaganahan
n g ating bayan, gobyerno, at lipunan at sa di na pagdaing ng ating mamamayan
kalagan ang mga gapos gamutin ang mga galos
Sanay dumating araw ang kahirapan ay matapos

Chorus: (Too young and Dwin)
Ating iangat ang watawat ng Pilipinas
Tayo ay tulong tulong sa pagkilos at pagtaas
Ng bandila ng sagisag ng kapayapaan
Ipagpatuloy natin ang mga sinimulan
Ng ninuno natin na ipinaglaban sa mga dayuhan ng ating bayan
Kaya kapatid kumapit ka at humawak ka sa lubid ng kapayapaan wohoowho wohoo..
Dieser text wurde 543 mal gelesen.