CHORUS
Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat
'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating
Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo
Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta
Mga halik mo't mga lambing, inuulan mo sa akin
Binabagyo, Binabaha na ako ng iyong mga carinio
Nananaginip ba ako nang gising
Ay, tinamaan ng magaling
Nadali mo ang puso ko ng iyong kidlat